
Isang challenging at minsan ay traumatic na experience ang law school para sa maraming tao, pero para kay Yasmien Kurdi, naging “healing ground” niya ito.
Inalala ni Yasmien ang kanyang law school journey sa isa sa mga recent posts niya sa Facebook. Ayon sa aktres, noong una ay nagdalawang-isip siya kung itutuloy ba niya ang pagla-law school dahil hindi rin niya inasahang papasa sa entrance exam. Kaya naman nagulat siya nang matanggap siya.
Pero habang tumatagal, na-realize ni Yasmien na baka calling niya talaga ang law school. Bukod sa mga bagong kaibigan na nakilala niya at itinuring na niyang mga kapatid, naging healing ground din daw ito para sa kanya.
Aminado siyang nakakapagod ang readings, cases, recitations, at deadlines, pero na-enjoy din niya ang pagiging “busy with something completely different.”
Basahin ang buong post sa ibaba.
Hindi ito ang unang pagkakataon na ibinahagi ni Yasmien ang kanyang law school experience. Noong March, ibinahagi niya ang isa sa kanyang mga paboritong subject sa law school at iniugnay ito sa pagdiriwang ng International Women's Month.
"One of my favorite subjects in law school is Gender Sensitivity and Laws on Women and Children's Rights, and I also submitted my reaction paper on the Supreme Court's Legal Feminism in Philippine Gender Jurisprudence today,” saad niya sa isang Instagram post.
“Legal feminism in Philippine jurisprudence reflects the lived realities of Filipinas, our struggles through the years, the voices that were once silenced, and our continuing fight for dignity and equality."
Nagbahagi rin si Yasmien ng ilang Philippine laws na nagtatanggol sa karapatan ng mga kababaihan, kabilang ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act (RA 9262), Magna Carta of Women (RA 9710), Safe Spaces Act (RA 11313 o Bawal Bastos Law), at Anti-Sexual Harassment Act (RA 7877).
Isa lamang si Yasmien sa mga artistang nagbalik-eskuwela para makakuha ng degree.
Noong March, nagbahagi rin si Status by Sparkle star Alethea Ambrosio ng snapshots mula sa kanyang buhay-school sa Thames International, kung saan kumukuha siya ng Communications. Noong 2025, natapos niya ang kanyang first term sa naturang school.
Related gallery: 10 Sparkle Artists Jumpstart Their College Education