What's Hot

Yasmien Kurdi, kinarir ang pamamalengke

By Dianara Alegre
Published March 10, 2020 3:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Yasmien Kurdi namamalengke


Yasmien Kurdi, sanay na sanay sa pamamalengke!

Bukod sa pagiging isang magaling na aktres, kinakarir din ni Kapuso star Yasmien Kurdi ang pagiging hands-on mom.

La mejor foto que tengo, es aquella en la cuál sonrío por ti ❤️🇪🇨

A post shared by Yasmien Kurdi (@yasmien_kurdi) on

At bilang millennial mom, natutunan ni Yasmien ang isa sa mga pinakamahirap gawin, ang pamamalengke.

Sa isang eksklusibong pagtatampok ng 24 Oras kamakailan, nasundan ng team ang pamamalengke ni Yasmien. Hindi lang 'yan, may mga tips din siya para sa mas madali at epektibong pagbili ng mga pagkain o gamit.

Una, gumawa ng listahan bago mamili sa palengke.

Pangalawa, mainam bumili ng mga naka-package nang halo-halong gulay.

“Sabi nila, parang galing daw 'yun sa mga nasira na mga veggies or something, puwede pa rin naman siya lutuin.

“Bumibili rin ako nu'n kasi minsan P15 pesos lang ang isang balot o kaya P10 pesos,” sabi ng aktres.

Kasama si Kapuso reporter Nelson Canlas, sinamahan ng 24 Oras team si Yasmien na mamalengke.

Sa kabuuan ng kanilang grocery day, napatunayan na sanay na sanay si Yasmien sa pamamalengke dahil organized ang kanyang pagbili.

Alam niya kung ano ang mga dapat inuunang bilhin para na rin hindi masira o maipit ang mga sensitibong pagkain sa grocery bag.

Pangatlo sa kanyang tips, palaging tumawad.

Ipinakita rin ni Yasmien sa video ang paraan niya ng paghingi ng tawad sa presyo ng mga bilihin.

Pang-apat, huwag bumili ng labis na pagkain.

Panglima, palaging magdala ng barya, “Para kung wala silang barya na pang-change sa 'yo, mayroon ka.”

Pang-anim, trust your senses kapag bumibili ng karne. Maganda dapat ang kulay at amoy ng karne, “Kasi kapag hindi maganda 'yung amoy ng chicken, maaamoy mo agad. Amoy luma.”

Pampito, huwag maglagay ng wallet sa bulsa, “Siyempre 'yung bag mo dapat laging nasa harap. Kasi para siyempre hindi ka makukunan. Kasi kapag naglagay ka ng wallet sa bulsa baka makuha 'yan, hindi mo na naramdaman.”

Talaga namang hands-on mom si Yasmien dahil siya ang mismong bumibili ng pagkain nila para sa isang buong linggo.

Watch the full 24 Oras feature:

WATCH: Netizens rave about Yasmien Kurdi's cover of 'Crash Landing On You' OST 'Flower'

Yasmien Kurdi prays for fast rehabilitation of Tagaytay after Taal Volcano's unrest