
Hindi mawala ang ngiti ng StarStruck Season 1 First Princess na si Yasmien Kurdi na muli siyang nakatapak sa building ng kanyang home network matapos ang dalawang taon.
Huling project ni Yasmien ang The Missing Husband noong 2023 dahil noong April 2024, isinilang niya via caesarean section ang second baby nila ni Rey Soldevilla, Jr. na si Raya Layla.
Nag-post sa Instagram ng photo si Yasmien sa loob ng GMA Network Center at sinabi nito, “After two years, I'm finally back at GMA!
“Yes! TWO YEARS since I got pregnant, gave birth, and now, my little Raya Layla is already over a year old!”
Dagdag niya, “This network has been my home for 22 years and coming back feels just like coming home. Grateful, honored, and always proud to be a Kapuso.”
Bukod kay Raya, may isa pa silang anak ni Rey na si Ayesha Zara.
RELATED CONTENT: The growing family of Yasmien Kurdi and Rey Soldevilla