
Isa sa mga tinitingala at hinahangaang Kapuso star ngayon ay ang award-winning actress na si Yasmien Kurdi.
Kasalukuyang napapanood si Yasmien bilang si Ina Diaz sa GMA drama series na Start-Up PH.
Kasama niya bilang lead stars sa serye ang iba pang mahuhusay na aktor gaya na lamang ng Asia's Multimedia Star na si Alden Richards, movie icon na si Bea Alonzo, at award-winning actor na si Jeric Gonzales.
Nang maimbitahan ang aktres sa podcast na “Updated with Nelson Canlas” kamakailan lang, isa sa kaniyang mga ibinahagi ay ang ilang bagay at ugali na nadiskubre niya sa kaniyang lead co-stars na sina Alden, Bea, at Jeric.
Unang ikinuwento ng StarStruck alumna ang obserbasyon niya kay Alden na napapanood sa Start-Up PH bilang si Tristan 'Good Boy' Hernandez.
Ayon kay Yasmien, “Magulo, hindi n'yo alam na magulo siya sa set. Makulit. Kung ano 'yung pino-portray niya… nagulat ako na hindi pala siya ganun. Makulit si Alden. Ano talaga, jolly na bubbly na makulit si Alden in real life."
Sunod naman ay nagkuwento siya tungkol kay Bea na kasalukuyang napapanood bilang si Danica 'Dani' Sison, ang kapatid ng karakter ni Yasmien sa programa.
Pagbabahagi niya, “Matangkad, super in real life. Para siyang minsan mas matangkad pa siya sa ibang mga beauty queens, ganun siya katangkad. Ano siya puwede talaga siyang sumali ng beauty contest sa sobrang tangkad.”
“Ano siya machika, akala mo before tahimik na tao, pero madaldal pala. Non-stop ano yon chika, so kailangan handa lahat ng chika mo rin para mayroon ka ring ambag na chika, teka may chika rin ako teka,” dagdag pa ng aktres.
Bukod kina Alden at Bea, may rebelasyon din si Yasmien tungkol sa Kapuso hottie na si Jeric Gonzales.
Kuwento niya, “Baby boy. Ano siya parang little bro na 'yun ang pagkakakilala ko sa kaniya sa set. Sobrang ano lang siya tahimik, tapos mabait na tao, very humble.”
Pakinggan ang naging panayam ni Nelson Canlas kay Yasmien Kurdi sa ibaba:
Patuloy na subaybayan si Yasmien sa mga huling tagpo sa Start-Up PH.
Mapapanood ang serye mula Lunes hanggang Biyernes 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, at sa GTV naman ay ipapalabas ito tuwing Lunes hanggang Huwebes 11:30 p.m., at tuwing Biyernes naman ay mapapanood ito sa oras na 11: 00 p.m.
Ipinapalabas din ang programa sa Kapuso Livestream at GMA Pinoy TV.
Maaari ring balikan ang iba episodes ng Start-Up PH dito.
SAMANTALA, SILIPIN ANG CHIC LOOKS NI YASMIEN KURDI SA GALLERY SA IBABA: