
Laugh trip ang naging reunion ng former loveteam na sina Yasmien Kurdi at Rainier Castillo sa YouTube vlog ng Kapuso actress na inilabas niya noong March 28.
Maaalalang nag-reunite ang StarStruck alumni para sa isang rehearsal ng All-Out Sundays kaya sinulit na ni Yasmien ang pagkakataon at ginawang guest sa kanyang vlog ang dating onscreen partner.
Pero kuwento ni Yasmien kay 24 Oras reporter Lhar Santiago, hindi na niya matandaan kung kailan sila huling nagkita ni Rainier kaya laking tuwa niya ang muli nilang pagkikita.
Aniya, “Ang tagal na panahon na rin po kasi… Kinasal na po siya, na hindi pa ako nakapunta sa kasal, nagka-baby na siya, tapos ang dami nang nangyari sa buhay niya.
“Kaya doon napunta sa vlog. Sobrang katuwaan lang po at laugh trip.”
At ngayong nasa ECQ na ang buong siyudad ng Maynila, mas natutuunan daw ng pansin ni Yasmien ang kanyang anak na si Ayesha at ginagamit ang oras para turuan itong magluto.
“Nagluluto kami together,” saad niya kay Lhar Santiago.
“Ang dami na po niyang natutunan sa akin sa pagluluto, and I think ito 'yung best time para matutunan niya lahat 'yon at an early age.”
Maliban sa pagluluto, busy si Yasmien sa paghahanda sa kanyang bagong GMA series na Las Hermanas kasama sina Thea Tolentino, Faith Da Silva, Jason Abalos, at Albert Martinez.
Pag-amin ni Yasmien, “Dapat naka-pull out na po kami nung March 21. E, dahil po sa nangyari, sa surge ng cases, talaga pong nagmu-move 'yung schedule namin.”
Panoorin ang buong chika ni Lhar Santiago:
Tingnan ang mga pinagkakaabalahan ng former StarStruck stars sa gallery na ito: