
Kakaiba at exciting ang experience ni Kapuso actress Yasmien Kurdi nang masubukan niya ang trabaho ng isang piloto.
Sa pamamagitan ng flight simulator, nagkaroon ang aktres ng pasilip sa ilan sa mga ginagawa ng isang piloto sa cockpit.
Nasubukan ni Yasmien na gumawa ng in-flight announcement, paliparin ang eroplano, at i-land ito.
Lalong nagig espesyal ang experience kay Yasmien dahil simulation ng Airbus 320 ang nasubukan niya.
Pareho nito ng eroplanong pinapalipad ng kanyang pilotong asawa na si Rey Soldevilla, Jr.
Photo: yasmien_kurdi (Instagram)
"Honestly after this, I respect him so much more kasi grabe, ang hirap pala," lahad ni Yasmien tungkol sa kanyang experience.
Ibinahagi niya ang pagsabak niya sa flight simulator sa isang video sa Instagram.
"Pilot for a day? Checked that off the list. Captain @david_dek taught me the basics — thrust set, rotate, climb, while my brain was low-key buffering the whole time. The A320 simulator at Sputnik Aviation feels too real, like 'wait, bakit parang totoong flight ito?!'
"Tried to land… the plane survived. In real life? Baka hindi," sulat niya sa caption ng kanyang post.
Ang flight simulator ay ginagamit na tool para sa training ng mga piloto pero ang nasubukan ni Yasmien ay para sa libangan lamang.
Samantala, kagagaling lang ni Yasmien at ng kanyang pamilya mula sa bakasyon sa Taiwan.
SILIPIN ANG KANILANG BAKASYON DITO: