
Ang ama ni Yasmien ay isang muslim, ang kanyang ina ay kasapi ng Iglesia ni Kristo at iba rin ang relihiyon ng kanyang asawa.
Hindi nakaiwas si Yasmien Kurdi sa tanong ng entertainment press tungkol sa kanyang relihiyon ngayon. Matatandaang miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) ang Sa Piling Ni Nanay star pero nagpakasal siya sa isang non-member na si Rey Soldevilla, Jr. May isang anak na sila ngayon na si Ayesha Zara.
EXCLUSIVE: How Yasmien Kurdi manages her time between family and career
"Siguro po kung ano 'yung sa husband ko, 'yun po ang sinusunod ko. Kung nasaan po siya," paliwanag ni Yasmien.
Naging dahilan din ang kasal nila para magkaroon sila ng tampuhan ng kanyang ina. Pero ngayon daw ay maayos na ang kanilang relasyon at tanggap na nito ang naging desisyon ng anak.
"Ang hirap din po kasi. Magkaiba po kasi ng paniniwala ang mom and dad ko. 'Yung isa Muslim, 'yung isa Iglesia, so mahirap po talaga nung time na ikakasal na kami. Mahirap sa kanilang dalawa kung ano po 'yung pipiliin dahil magkaiba po sila ng gusto."
MORE ON YASMIEN KURDI:
Celebrity moms Yasmien Kurdi and Chesca Garcia-Kramer's back-to-school tips for kids
Yasmien Kurdi becomes co-pilot to husband Rey Soldevilla, Jr. for a day