
Malaking bagay na napaghandaan nina Yasmien Kurdi at ng kanyang asawa na si Rey Soldevilla ang COVID-19 pandemic in terms of their finances.
Ito ang sinabi ng Kapuso actress nang makapanayam ng entertainment press sa idinaos na video conference ng Corporate Communications Department ng GMA-7.
Ani Yasmien, natuto na sila ni Rey na mag-plano base sa kanilang previous experience nang nag-aaral pa ang kanyang asawa at tumigil naman si Yas sa showbiz.
Kuwento ng aktres, "Sa aming mag-asawa napaghandaan namin kasi dati naranasan na rin namin ito,
"Nung time na nag-aaral si Rey [Soldevilla] 'tapos ako naman nag-quit ako ng showbiz. 'Tapos kaming dalawa walang income for a year.Naranasan na namin 'yung ganitong situation kaya we always make it a point na to be prepared sa ganito [at] mag-plano sa ganitong situation."
Diretsahan din ang sagot ni Yasmien nang tanungin ng press kung ready na ba siya mag-balik trabaho.
"'Pag tinawag na nila ako for taping ready na po ako, siyempre call of duty po natin 'yan and artista ako, so hindi naman umaandar ang isang production kung walang artista." saad ni Yasmien sa muling pagsabak sa taping.
Dagdag niya, "And I'm sure naman ang GMA Network nakapaghanda naman at nakapag-plano na ng mga precautionary and safety measures before they start working."
Papayag pa rin kaya siya kung may kissing scene sa kanyang leading man kahit ngayon na may pandemya?
Alamin ang sagot niya sa Kapuso Showbiz News.
Yasmien Kurdi, tinutukan ang mental health ng anak na si Ayesha Zara habang may ECQ
'Hindi Ko Kayang Iwan Ka,' kinailangang i-replay sa bansang Ecuador dahil sa mataas na TV ratings