Celebrity Life

Yasmien Kurdi reacts to Douglas Nierras' return to 'StarStruck'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 15, 2020 5:05 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Scammers face up to 24 strokes of the cane in Singapore
Firecrackers seized in Mandaue City based on ban

Article Inside Page


Showbiz News



Ayon sa aktres, hinding-hindi raw niya makakalimutan ang intense workshops na pinagdaanan niya under the "Terror Dance Mentor."
By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

"Ay bongga 'yan! Gusto ko 'yan,” ‘yan ang sambit ni StarStruck Season 1 runner-up Yasmien Kurdi nang malamang magbabalik ang isa sa malulupit na mentors nila noon na si Douglas Nierras.

Look: 'StarStruck' hunks!


“'Pag bumalik si Douglas Nierras, matitikman nila ang malupit [na] pagwo-workshop sa dance. Kasi naman ang hirap-hirap naman talaga,” dagdag pa ni Yasmien.

Ayon sa Yagit star, hinding-hindi raw niya makakalimutan ang intense workshop noon kung saan ipinahiya ni Douglas ang batch mate niyang si Rainier Castillo. Saad niya, “Noong pinagalitan niya si Rainier at sobrang pulang-pula si Rainier!”

Pero ani Yasmien, kahit daw hirap na hirap sila noon kay Douglas ay lalo pa niyang nilakasan ang loob na mag-workshop ulit sa ilalim ng malupit na dance mentor. “In fairness naman, after ng Douglas Nierras workshop ko with StarStruck, nagpatuloy pa ako at nakailang sessions pa ako with him,” anang aktres.

Pagpapaliwanag ni Yasmien, malayong-malayo raw ang ugali ni Douglas kapag wala siya sa dance studio. “Alam mo, hindi naman talaga ganoon si Tito Doug. Hindi naman talaga siya ganoong kalupit. Kaso siyempre kapag may makukulit talaga at hindi sumusunod, ganoon siya. Pero mabait naman si Tito Douglas,” bahagi niya.

Sabi pa ni Yasmien, magandang training daw ang ibinibigay ni Douglas sa mga gustong mag-artista dahil inihahanda sila sa mundo ng showbiz.

“Alam mo sa showbiz, mas marami pang ganyan. Kung papasok sila ng showbiz at mami-meet nila si 'Nay Lolit [Solis], dati kong manager, ay nako! Iiyak ka nang iiyak! (laughs),” anang Yagit star.