
"Siguro 'yung mga nagte-taping kami sa gitna ng dagat. At the same time na pagod kami, nakikita namin ang kagandahan ng Bataan..." - Yasmien Kurdi
Walong buwan ang itinakbo ng Afternoon Prime series na Sa Piling Ni Nanay. Ilang beses itong na-extend ngunit bukas, January 27, ay eere na ang huling episode nito.
READ: Yasmien Kurdi thanks 'Sa Piling Ni Nanay' supporters
Sa renewal of contract ng aktres noong Miyerkules, January 25, ibinahagi ni Yas ang hindi niya makakalimutang mga eksena sa naturang teleserye.
"Siguro 'yung mga nagte-taping kami sa gitna ng dagat. At the same time na pagod kami, nakikita namin ang kagandahan ng Bataan. We were taping lahat sa north like Pampanga, Bulacan, Bataan. 'Yun 'yung mga happy moments namin kasi kakain kami together sa beach, mga bonding namin eventhough maraming sequences, push lang, tuloy lang ng tuloy."
Huwag palampasin ang huling araw ng Sa Piling Ni Nanay ngayong Biyernes, January 27, pagkatapos ng Hahamakin Ang Lahat, sa GMA Afternoon Prime.
MORE ON YASMIEN KURDI:
Yasmien Kurdi, ayaw paniwalaan ng anak na si Ayesha na kasama siya dati sa 'Encantadia'
LOOK: Yasmien Kurdi's throwback photo with Kris Aquino and Jennylyn Mercado