Celebrity Life

Yasser Marta, ano ang first impression kay Kyline Alcantara?

By Aaron Brennt Eusebio
Published February 24, 2020 1:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Bago sumabak sa aktingan, sinagot muna nina 'Bilangin ang Bituin sa Langit' stars Kyline Alcantara at Yasser Marta ang sampung tanong. Ano kaya ang first impression ni Yasser kay Kyline?

Inamin ni Yasser Marta kung ano ang kanyang first impression sa kanyang ka-love team sa Bilangin ang Bituin sa Langit na si Kyline Alcantara.

Sa isang Kapuso online exclusive video, tinanong ni Kyline si Yasser kung ano ang kanyang unang napansin noong nagkakilala sila.

Sagot ni Yasser, “Una 'yung personality mo talaga, sobrang kulit mo noong una nating pagsasama.”

“Tapos parang ang tagal na [nating] magkakilala. Sobrang open na namin.”

Sinagot din ni Kyline ang tanong kung ano ang unang pumasok sa isip niya nang makita si Yasser.

Ano kaya ang sagot ni Kyline? Panoorin sa Kapuso exclusive na ito:

Kasama nina Yasser at Kyline sa Bilangin ang Bituin sa Langit sina Mylene Dizon at Ms. Nora Aunor.

Panuorin ang Bilangin ang Bituin sa Langit, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Prima Donnas.

EXCLUSIVE: Is Kyline Alcantara ready for mature roles?