
Sina Kapuso stars Yasser Marta at Arra San Agustin ang bibida sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Pinamagatang "Instant Boyfriend," tungkol ito sa isang heredera at lalaking magpapanggap bilang fiance niya.
Gaganap si Arra bilang Kim, CEO ng isang struggling business.
Para ma-save ang kanyang negosyo, inaasahan ni Kim na mamana ang mango farm ng kanyang lolo.
Kaya lang, ipapamana lang ito sa kanya kapag may asawa na siya. Maiisipan ni Kim na i-hire si Julian, karakter ni Yasser, para magkunwari bilang fiance niya.
Magiging convincing ba bilang fiance si Julian para magtagumpay ang plano ni Kim?
Huwag palampasin ang bagong episode na "Instant Boyfriend," July 13, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.