
Maghahatid sina Yasser Marta at Sarah Edwards ng isang kakaibang love story sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Bibida sila sa episode na pinamagatang "My Heart Belongs To You."
Si Sarah ay si Alexa, na nagluluksa pa para sa kaniyang yumaong boyfriend.
Si Yasser naman ay si Jessy, sweet at caring na binatang gustong buksan muli ang puso ni Alexa.
Susubukang mag-move on ni Alexa kaya bibigyan niya ng chance si Jessy.
Pero paano kung malaman niyang kay Jessy pala na-donate ang puso ng boyfriend niya?
SILIPIN ANG MGA EKSENA SA EPISODE DITO:
Huwag palampasin ang bagong episode na "My Heart Belongs To You," May 24, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.