What's on TV

Yasser Marta, gaganap bilang preso na gustong maging pulis sa 'Magpakailanman'

By Marah Ruiz
Published March 5, 2026 6:14 PM PHT
Updated March 5, 2026 6:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Karl Eldrew Yulo qualifies for floor exercise final in Baku leg of Gymnastics World Cup
Sayran nato ang dagan sa Panahon karong Adlawa March 5, 2026 | Balitang Bisdak
New Engines, New Faces: Meet the F1 drivers of the 2026 season

Article Inside Page


Showbiz News

Magpakailanman


Gaganap si Yasser Marta bilang preso na gustong maging pulis sa bagong episode ng 'Magpakailanman.'

Si Kapuso actor Yasser Marta ang bibida sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.

Gaganap siya rito bilang Von drug runner sa episode na pinamagatang "Ang Presong Nangarap Maging Pulis."


Drug pusher ang tatay ni Von pero matitigil ang pagbebenta nito matapos ma-stroke.

Para maipagamot ang tatay at masuportahan ang pamilya, si Von na mismo ang magpapatuloy ng pagtutulak ng droga.

Pero sa kasagsagan ng anti-drug campaign, mahuhuli si Von at makukulong.

Paano makakabalik sa tamang landas si Von?

Makakasama ni Yasser sa episode sina Yayo Aguila, Mon Confiado, Seb Pajarillo, Kiel Rodriguez, at Andrei Fajardo.

SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:



Abangan ang brand-new episode na "Ang Presong Nangarap Maging Pulis," March 7, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.

Available rin ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.