
Ipinakilala ng Fil-Portuguese star na si Yasser Marta ang bagong role na kanyang bibigyang-buhay sa upcoming Kapuso seryeng Delivery Boi.
Ibinahagi ni Yasser sa kanyang Instagram account ang mga larawan niya at ibinahagi ang pangalan ng role niyang si Walter Aldomovar. Makikita rin ng aktor ang photo niya kasama ang kanyang co-stars na sina Eric Quizon, Maricar de Mesa, at Vince Maristela.
“Meet Walter Aldomovar. Malapit niyo na siyang makilala. #DeliveryBoi,” sulat niya sa caption.
Ang Delivery Boi ay pinangungunahan ng Sparkle star na si Will Ashley kasama ang batikang aktor na sina Eric Quizon, Keempee De Leon, Meryll Soriano, Maricar de Mesa.
Kabilang din sa stellar cast ng serye sina Yasser Marta, Vince Maristela, Mikoy Morales, Angellie Sanoy, Juharra Asayo, Baninay Bautista.
Ang Delivery Boi ay sasailalim sa direksyon nina directors Adolf Alix Jr. at Dominic Zapata.
Related gallery: Hottest thirst traps photos of Yasser Marta