GMA Logo Yasser Marta, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kate Valdez
What's on TV

Yasser Marta, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kate Valdez

By Jimboy Napoles
Published November 28, 2023 7:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rollback in pump prices seen Christmas week
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Yasser Marta, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kate Valdez


Kinumpirma ni Yasser Marta na hindi na sila nag-uusap ng aktres na si Kate Valdez.

Kinumpirma ng Kapuso hunk actor at Eat Bulaga host na si Yasser Marta sa Fast Talk with Boy Abunda na hindi na sila nag-uusap ng aktres na si Kate Valdez.

Matatandaan na sinabi ni Yasser sa panayam din sa kanya ni Boy Abunda noong June 2023 na nilligawan niya si Kate. Ito ay matapos lumabas ang sweet photos nila ng aktres sa social media.

Sabay rin na dumating sina Yasser at Kate sa ginanap na GMA Gala 2023 noong July.

RELATED GALLERY: Celebrity breakups that shocked the public

Sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda ngayong Martes, November 28, muling sumalang sa interview si Yasser kasama ang kaibigan at Eat Bulaga co-host na si Kimpoy Feliciano.

Dito ay tinanong sila ni Boy kung sino ang mas matimbang sa kanilan ngayon, “Pag-ibig o Pamilya?”

“Pamilya,” sagot naman nina Yasser at Kimpoy.

“Girlfriend o Nanay?” tanong naman ni Boy kay Yasser.

Tugon ng aktor, “Sa ngayon Tito Boy, Nanay.”

Dahil dito, tinanong muli ni Boy si Yasser, “May kinalaman ba ang nanay no'ng paghihiwalay niyo ni Kate [Valdez]?”

Sagot naman ng aktor, “Siguro malaking factor din Tito Boy kasi na-stroke si Mama e. Na-stroke siya, 'yung buong oras ko kung hindi sa work sa nanay ko po.”

“In other words, time became a problem in your relationship?” sunod na tanong ni Boy.

“Yes,” ani Yasser.

Ayon pa sa Lovers and Liars actor, wala naman siyang ibang sinisisi sa kinahantungan ng relasyon nila ni Kate. Pero priority rin niya ngayon ang pag-aalaga sa kanyang ina.

Aniya, “Sarili ko po Tito Boy. Hindi ko alam kung first time mangyari sa akin 'to and simula bata kasama ko na 'yung nanay ko. Siya ang nag-aalaga sa akin. Mama's boy ako. Ngayon, nag-360 'yung buhay ko Tito Boy. Ngayon, ako naman ang nag-aalaga sa nanay ko. Mas makakabuti na lang 'yon.”

“So, ang tanong kumusta kayo ni Kate ngayon as we talk?” tanong muli ni Boy kay Yasser.

Sagot naman ni Yasser, “'Di na kami nag-uusap.”

Samantala, napapanood ngayon si Yasser bilang host sa noontime show na Eat Bulaga at sa GMA-Regal series na Lovers & Liars. Kabilang naman si Kate sa cast ng upcoming Philippine adaptation ng hit Korean drama series na Shining Inheritance.

Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.