GMA Logo Yasser Marta
What's on TV

Yasser Marta, may inamin sa tunay na relasyon nila ni Kate Valdez

By Jimboy Napoles
Published June 6, 2023 7:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NLEX deploys more security after slingshot rocks hit buses at Balagtas exit
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Yasser Marta


Ano na nga ba ang real score sa pagitan nina Yasser Marta at Kate Valdez?

Inamin ng Kapuso sexy actor na si Yasser Marta na nililigawan niya pa lamang ang aktres na si Kate Valdez.

Sa pagsalang ni Yasser sa interview kasama ang batikang TV host na si Boy Abunda sa programang Fast Talk with Boy Abunda, game na ikinuwento ng aktor ang estado ng relasyon nila ngayon ni Kate.

"Oo o hindi, kayo na ba ni Kate Valdez?" tanong ni Boy kay Yasser.

Sagot naman ng aktor, "Hindi pa po, Tito Boy."

Dahil dito, muling nagtanong si Boy, "Nasaan kayo ngayon?"

Ayon kay Yasser, totoong nanliligaw siya sa aktres pero hindi nila minamadali ang lahat dahil mas gusto nilang mabuo muna ang kanilang friendship.

Kuwento niya, "Ngayon Tito Boy, well nanliligaw po ako sa kaniya, nililigawan ko po siya pero nandoon kami sa ine-enjoy lang namin 'yung companionship ng bawat isa at saka ayaw din naming madaliin."

"Mas maganda 'yung [may] nabi-build kayong foundation ng friendship," dagdag pa niya.

Sa ngayon ay abala rin si Yasser sa kaniyang mga brand endorsement at sa kaniyang upcoming projects.

Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

SILIPIN ANG SEXY PHOTOS NI YASSER MARTA SA GALLERY NA ITO: