
May bagong celebrity couples na maghaharap sa ongoing pre-Valentine specials ng Family Feud!
Ngayong Lunes (February 9), ang country's top-rated game show ay may bagong "More Tawa, More Saya, and More Love" tapatan!
Maglalaro sa Team Love ang Kapuso actor na si Yasser Marta at ang nababalitang girlfriend niya na diumano na si Robb Guinto. Kasama sa Team Love ang kanilang powerhouse support system. Ang content creator and host at pinsan ni Robb na si Akiko Obillo, at ang running enthusiast at content creator na si Keann Feraer.
Para naman sa Team GiRa, maglalaro ang newly engaged host and content creator na si Rain Matienzo at campus missionary na si Gian Tayson. Kasama nila sa Lunes ang mommy ni Rain na si Lorna Matienzo, at ang cousin-in-law ni Gian na si Sandy Ybañez.
Mapapanood din sa Family Feud ang touching personal milestone. Si Mommy Lorna ay longtime superfan ng programa at ngayon ay nakapag-guest pa sa Family Feud!
Laughter, relatable relationship revelations, at high-stakes excitement ang hatid ng Family Feud ngayong February 9, 5:40 p.m. sa GMA.
Subaybayan ang fresh episodes ng Family Feud Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 10,000 up to PhP 100,000!