
Nitong March lang, kinumpirma nina Yasser Marta at Robb Guinto ang kanilang relasyon. Ayon sa dalawa, naiisip na rin nila ang tungkol sa pagpapakasal.
“Andu'n 'yung thought, Tito Boy, na sinasabi namin sa bawat isa, pero hindi naman ganu'n ka-specific pa talaga na plandong-planado. Pero lagi kong sinsasabi sa kaniya na du'n tayo, pupunta tayo du'n,” sabi ni Yasser sa pagbisita nila sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, March 26.
Sinigurado naman ni Robb na kapag nakapagdesisyon na sila tungkol sa kasal ay sa naturang GMA Afternoon Prime talk show sila mag-a-announce.
Samantala, aminado naman si Robb na pinag-usapan muna nila bago kumprimahin at gawing public ang kanilang relasyon.
“Kasi siyempre, 'pag once na pinublic mo 'yan, maraming pwedeng mangialam, maraming pwedeng manghimasok sa relasyon n'yo. Parang konting kibot lang, may masasabi 'yung tao. May gawin man kaming tama o mali, may masasabi at masasabi 'yung tao,” sabi ni Robb.
TINGNAN ANG BALI VACATION NINA YASSER AT ROBB SA GALLERY NA ITO:
Pagpapatuloy pa ng aktres, gusto sana nila ni Yasser na silang dalawa lang ang magkakaintindihan at bibigyan ng tiwala ang isa't isa. Paniniwala ni Robb, iyon lang naman ang kailangan ng isang relasyon.
Pagbabahagi naman ni Yasser, “Tito Boy, ako, lagi ko rin sinasabi kay Robb 'yung siya lang ang papakinggan ko. Ako, wala naman akong pakialam sa sinasabi ng ibang tao, Tito Boy, kung ano man ang sinasabi nila. Basta sa kaniya lang po ang tiwala ko.”
Panoorin ang panayam kina Robb at Yasser dito: