
Nag-viral kamakailan ang ilang litrato ng aktres na si Yassi Pressman kasama si Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte.
Sa mga litratong ito, makikitang nakasakay ang dalawa sa isang ATV at nakahawak pa ang gobernador sa hita ni Yassi.
Kaya naman nagkaroon ng mga ispekulasyon tungkol sa relasyon ng dalawa.
Binasag na ni Yassi ang kanyang katahimikan tungkol sa pagkaka-link kay Gov. Villafuerte.
"Me and Luigi have known each other for a very long time. Parang 10 years na kaming magkakilala so now we're just spending more tIme together and getting to know each other more," paliwanag ng aktres.
Bago nito, nilinaw na rin ni Yassi kamakailan ang pagkaka-link naman kay Ilocos Sur represenatative Sandro Marcos matapos silang mamataang magkasama sa isang event.
"Hindi po iyon totoo at all. Tawang-tawa nga po kami. Nalagyan lang po ng malisya dahil na-slowmo, nalagyan ng music," bahagi ni Yassi sa isang panayam.
Nagsimula na sa taping para sa upcoming full action series na Black Rider si Yassi.
Isa sa mga nauna niyang makasama sa eksena ay si veteran actress Rio Locsin. May ilang mga eksena na rin siya kasama si Matteo Guidicelli, Ashley Sarmiento, Aleack Bovick, social media star na si Pipay at drag perfomer na si Turing.
Nagkita na rin sila sa set ni Black Rider lead star Kapuso Action Drama Prince Ruru Madrid.
"Isa po sa pinaka magandang trait din po ni Vanessa, isa po siyang palabang babae na mabuti ang puso," paglalarawan ni Yassi sa kanyang karakter.
Bago sumabak sa taping, sinigurado muna ni Yassi na handang handa na siya para dito.
"Nag-train po kami ng motorcycle training again and motocross training na sinumulan ko po noong pandemic. 'Yung usual po na ginagawa ko is muay thai so kapag nagkakaroon po ng oras, nagte-train din po kami for that," aniya.
Abangan si Yassi Pressman sa Black Rider, soon on GMA Telebabad.