
Ipinamalas ni Black Rider star Yassi Pressman ang husay niya sa pagsayaw sa isang video sa kanyang Instagram account.
Ibinahagi kasi ni Yassi ang dance cover niya sa kantang "Unholy" ni Sam Smith at Kim Petras.
Kasama ni Yassi sa video ang The Addlib Dance Studio.
Natapos na ni Yassi kamakailan ang shooting ng kanyang upcoming Korean-Filipino film na The Guardian kung saan makakasama niya si actor at Infinite member Nam Woo-hyun.
Nagbalik na rin si Yassi sa taping ng full action series na Black Rider.
Sa isa pang post sa kanyang Instagram account, makikitang pinagkakaguluhan pero game si Yassi na makipag-selfie sa mga manonood sa kanilang shoot location.
Sa ika-13 linggo ng serye, makakaranas ang kanyang karakter na si Bane ng pananabotahe mula kay Kapitana Babylyn (Maureen Larrazabal).
Susubukang pigilan ng barangay captain na sirain ang pagkakataon ni Bane na makarating sa inter-barangay beauty pageant kung saan kalahok din ang anak nitong si Angie (Mariel Pamintuan).
Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.
Sumama sa biyahe ng full action series na Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 9:40 p.m.
Maaari rin itong mapanood via livestream online sa Kapuso Stream.