What's Hot

Yassi Pressman, masaya sa pagkapanalo ng Team Tweet Hearts sa 'Sunday All Stars'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 22, 2020 4:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Stray bullet kills 66-year-old man in Pampanga
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News



Sobrang nag-enjoy si Yassi Pressman sa unang celebrity showdown ng Sunday All Stars. Dumagdag pa sa kanyang excitement ang pagkapanalo ng kanilang team na Tweet Hearts na pinamumunuan ni Jennylyn Mercado.

Sobrang nag-enjoy si Yassi Pressman sa unang celebrity showdown ng Sunday All Stars. Dumagdag pa sa kanyang excitement ang pagkapanalo ng kanilang team na Tweet Hearts na pinamumunuan ni Jennylyn Mercado.

"It was so fun. Sobrang saya parang lahat kami nag-full force. Iba iyong performance level ng araw na ito among all of the Sundays. I really felt na today everyone did their best talaga" aniya.

Kinamusta din namin kung ano ang masasabi niya sa kanilang team leader na si Jennylyn Mercado.

“Sobrang bait and sinisigurado niya na ginagawa namin iyong gusto naming gawin. Sinisigurado niyang masaya kami sa ginagawa namin. That's one of the best things a leader can do, kasi kapag masaya ang members mabibigay nila ang lahat. Sakto kahit cuts ng pagkanta at pagsayaw,” ang buong paghanga nitong sagot sa amin.

Aside from Sunday All Stars, busy din si Yassi sa Home Sweet Home at ang Indie dance film inspired by Francis Magalona’s song – ang Kaleidoscope World. “Sobrang saya magshoot ng Kaleidescope World, talagang makikita mo 'yung bonding as dancers. Iba din kasi kapag kapwa dancers, nagsasama iyong ideas then out of nowhere may nagsasayaw na bigla!”

Inusisa din namin si Yassi kung sino-sino ang  kanyang kasama sa Kaleidoscope World.

“Sef Cadayona, Mayton Eugenio and then marami pa kaming mga guests. Kasama namin iyong mga Maneouvres, La Salle Dance Group, meron kaming taga-Ateneo. Ang dami, may UP pa kami. Ang daming groups na sumali. Sobrang saya, at saka nakita rin namin 'yung love of performing by everyone that was there.”

Mapapanood si Yassi Pressman sa Home Sweet Home weeknights sa GMA Telebabad at sa pinaka bagong celebrity showdown on TV, ang Sunday All Stars. --Text by Eunicia Mediodia, GMANetwork.com