GMA Logo Yassi Pressman
Courtesy: yassipressman (IG)
What's Hot

Yassi Pressman, may pahiwatig tungkol sa '2 sides of a story'

By EJ Chua
Published March 18, 2023 7:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Filipinas in Kyiv choose their families and the lives they’ve built amid the war
Visually impaired soldier promoted from captain to major

Article Inside Page


Showbiz News

Yassi Pressman


Konektado ba ang Instagram at Twitter posts ni Yassi Pressman sa kinasasangkutang kontrobersiya ng kanyang kapatid na si Issa Pressman?

Sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan ng kanyang kapatid na si Issa Pressman, may pahiwatig si Yassi Pressman tungkol sa aniya'y '2 sides of a story.'

Matapos mag-post nina Issa at ng aktor na si James Reid ng larawan nila na magkasama silang nanood ng concert ni Harry Styles, muling naging usap-usapan sa social media kung may namamagitan sa kanilang dalawa.

Sa Instagram stories, nagbahagi si Yassi ng isang larawan na mayroong mensahe na tila may koneksyon sa isyung kinakaharap ngayon nina Issa, James, at aktres na si Nadine Lustre.

Ayon sa post ni Yassi, “There are always two sides to a story. Abangan!”

Hindi diretsahang sinabi ni Yassi na tungkol ito sa isyu ng kanyang kapatid.

Embed: story

Kaugnay ng mainit na usapin ngayon, muling naungkat ang isyu tungkol sa ginawa ni Yassi na pagtatanggol noon sa kanyang kapatid nang maiugnay ang pangalan ni Issa sa hiwalayang James at Nadine.

Bukod sa mensaheng ipinadaan niya sa Instagram stories, bumuhos din ang iba't ibang reaksyon ng netizens sa bagong post ni Yassi sa Twitter.

Ayon sa tweet ng aktres, “Just don't agree with people making fake conspiracies only to hurt other people. Let's stop being only opinionated, but try harder to be educated with facts because if the words you threw around were tattooed on you, would you walk around proud samesame #thinkbeforeyouclick.”

KILALANIN ANG KAPATID NI YASSI PRESSMAN NA SI ISSA PRESSMAN SA GALLERY SA IBABA: