GMA Logo Yassi Pressman
What's on TV

Yassi Pressman, nagbigay ng tips kung paano maging leading lady

By Marah Ruiz
Published May 8, 2024 9:34 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Celtics exploit short-handed Bucks for latest lopsided win
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed
Daig Kayo Ng Lola Ko: Download Mommy (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Yassi Pressman


Paano nga ba maging isang magaling na leading lady? Alamin mula kay 'Black Rider' star Yassi Pressman.

Kabilang si Yassi Pressman sa mga leading ladies sa full action series na Black Rider.

Gumaganap siya sa serye bilang Bane, isang dating snatcher na magiging isa sa mga pinakamabuting kaibigan ni Elias, karakter ni primetime action hero Ruru Madrid.

Nagtapat na si Bane ng tunay niyang nararamdaman para kay Elias pero sadyang hindi pa ito matanggap ng binata dahil sa kanyang nagpapatuloy na misyon bilang si Black Rider.

Sa isang online exclusive video, natanong si Yassi para sa ilang tips kung paano maging isang magaling na leading lady.

"Ang tip para maging ikaw na ikaw 'yung character na gusto mong i-portray, kailangan pag-aralan mo talaga kung paano siya kumilos, kung paano siya magsalita, kung anong koneksiyon niya sa pamilya niya, sa mga kalaban niya. 'Yung buong aspect siguro ng pagkatao niya, kailangan alam mo," lahad ng aktres.

Mas masusubukan pa ang galing ni Yassi sa pag-arte dahil may malaking sikretong mabubunyag tungkol sa kanyang karakter na si Bane. Paano niya haharapin ang katotohanan tungkol sa tunay niyang pamilya?



Patuloy na tumutok sa mga parating na episodes ng 2024 New York Festivals bronze medalist na Black Rider!


SILIPIN ANG MEDIA CONFERENCE PARA SA BAGONG YUGTO NG BLACK RIDER KUNG SAAN DUMALO SINA RURU MADRID, YASSI PRESSMAN, ANGELI KHANG AT IBA PANG MIYEMBRO NG CAST:



Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.

Kapit lang sa mas suwabe, mas maangas at mas kapanapanabik na bagong yugto ng full action series na Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 9:40 p.m.

Maaari rin itong mapanood via livestream online sa Kapuso Stream.