
Nag-wrap up na ang taping ng upcoming Korean-Filipino action-drama film na The Guardian.
Kabilang sa cast nito si Black Rider star Yassi pressman na ipinasilip sa kanyang Instagram account ang huling araw ng kanilang taping.
"Snippets of our last day of shooting for #TheGuardian The Movie ~ missing most of our cast members in the photos! had too much fun! can't for you all to see this,
"감사합니다,
"Gamsahabnida it was such a blessing to be able to work with such talented people in the industry both from our beloved Philippines and from Korea
"Maraming maraming salamat po!
"Love, Sandara!" sulat niya sa caption ng kanyang post.
Gumaganap si Yassi sa pelikula bilang Sandara, isang babaeng nangangarap making K-pop idol.
Ang The Guardian ay kuwento ng pagmamahal ng isang anak para sa kanyang ina.
Pagbibidahan ito ni Infinite member Nam Woo-hyun na gaganap bilang Park Do-jun, isang mahusay na taekwondo athlete. Maninirahan siya sa Pilipinas dahil sa gambling addiction ng kanyang ina.
Dahil na rin sa pagkakalulong sa sugal, biglang maglalaho ang ina ni Do-jun at gagawin niya ang lahat para mahanap ito.
Kasama rin sa pelikula sina Joko Diaz, Jeric Raval at Wilbert Ross, pati na ang South Korean actors na sina Park Eun-hye at Han Jae-seok.
Ang The Guardian ay collaboration ng Viva Films, Ovation Productions, Parallax Studio, Robosheep Studios, GV Labs, and Will Studios.
Samantala, bahagi rin si Yassi ng full action series na Black Rider kasama si primetime action hero Ruru Madrid.
Sa ika-12 linggo ng serye, naghahanda ang karakter niyang si Bane para sumali sa inter-barangay beauty pageant bilang representative ng Brgy. Palangga.
Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.
Sumama sa biyahe ng full action series na Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 9:40 p.m.
Maaari rin itong mapanood via livestream online sa Kapuso Stream.