
Narito na naman para magbigay ng saya ang tambalan ng singer-comedians na sina Michael V. at Ogie Alcasid.
Tampok kasi ngayong linggo ang kanilang pelikulang Yaya and Angelina: The Spoiled Brat Movie sa digital channel na I Heart Movies.
Base ang pelikula sa patok na Bubble Gang skit na "Ang Spoiled."
Gaganap si Bitoy bilang Yaya Rosalinda na masisisante dahil sa panibagong kalokohan ni Angelina na karakter naman ni Ogie.
Dahil walang nagbabantay kay Angelina, maki-kidnap siya! Gagawin naman ni Yaya Rosalinda ang lahat para mabawi ang pilyang alaga.
Huwag palampasin ang Yaya and Angelina: The Spoiled Brat Movie, sa October 3, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Huwag din palampasin ang musical romantic drama film na LSS, starring real-life couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos.
Si Gabbi ay si Sarah habang si Khalil naman ay si Zack at magkakakilala sila dahil sa musika ng Pinoy indie-folk band na Ben&Ben.
Panoorin ang LSS, October 4, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.