What's Hot

Yaya Dub umamin kay Jessica Soho na maraming insecurities

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 29, 2020 11:42 AM PHT

Around GMA

Around GMA

2 nabbed, P3.92M in smuggled cigarettes flagged at checkpoint
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Aminado ang Dubsmash Queen of the Philippines na si Maine Mendoza a.k.a Yaya Dub na hindi niya naisip na ang paggawa niya ng mga dubsmash videos ang magiging susi niya para makapasok sa showbiz.


By AEDRIANNE ACAR

Aminado ang Dubsmash Queen of the Philippines na si Maine Mendoza a.k.a Yaya Dub na hindi niya naisip na ang paggawa niya ng mga dubsmash videos ang magiging susi niya para makapasok sa showbiz.

 

A photo posted by Maine Mendoza (@mainedcm) on

In Photos: Kapamilya stars bilib sa AlDub

AlDub videos, kasama sa 2015 top trending videos ng YouTube

Kapuso Year in Review 2015: Kilig throwback of AlDub’s many firsts



Sa katunayan umabot na sa 5.3 million views ang dubsmash compilation niya sa YouTube. Pag-amin ni Maine kay Jessica Soho sa one-on-one interview nila sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho' na pakiramdam daw niya na wala siyang talent parang maging artista.

Saad ni Yaya Dub, "Feeling ko po kasi I don’t have what it takes to become an artist. Parang tingin ko, mababa po kasi tingin ko sa sarili ko, parang tingin ko po wala akong  talent, tingin ko wala akong kayang gawin para maging artista."

"Yes po, sobrang baba lang po talaga ng self-esteem ko… ang hirap pong isipin kung ano po 'yung nakikita niyo sa TV," dagdag ng AlDub actress.

Kuwento pa ng 'Eat Bulaga' star na bata pa lang daw siya ay tahimik na siya at mababa talaga ang self-esteem.

"Di ko rin po maisip kasi parang kilala ko po 'yung sarili ko habang tumatanda talaga, parang simula pa lang bata tahimik [na], parang wala po talaga akong... mababa na po talaga 'yung tingin ko sa sarili ko, parang wala talaga akong confidence parang sa lahat ng gagawin ko parang iniisip ko lagi na hindi ko siya kaya."

Pero sa tulong na din ng 'Eat Bulaga' at sa hit segment nila na 'kalye-serye,' ito daw ang nagbigay daan para lumakas ang loob niya at umalis sa kanyang comfort zone.

"Tingin ko po kasi ito na po 'yung chance ko, so hindi ko na po i-ho-hold back 'yung sarili ko, parang I need to step out my comfort zone din po kasi so parang 'yun po 'yung nagbibigay lakas ng loob  sa akin."