
Kamakailan lamang ay nabalitang binigyan ng bahay ni KC Concepcion ang kanyang childhood yaya na si Nanay Lina.
WATCH: KC Concepcion, binigyan ng bahay ang kanyang childhood nanny
Isa sa mga natuwa sa balitang ito ay ang beteranong entertainment writer at talent manager na si Lolit Solis. Isang trivia pa nga ang ibinahagi niya sa kanyang Instagram patungkol kay Nanay Lina.
Dati palang miyembro ng fans club nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion si Nanay Lina. Ani Lolit, "Member ng fans club nila [sina] Eden at Lina. Nang maghiwalay [sina] Sharon/Gabby, naiwan si Lina kay Sharon at naging yaya ni KC. Si Eden naman, naiwan kay Gabby at naging PA nito na umalis lang nang maging asawa ni Gabby si Jenny Syquia.
"Sure ako na mahal na mahal ng yaya niya si KC na devoted fan ng mga magulang niya at nakakatuwa naman na binigyan ito ng bonus sa tagal ng paglilingkod at pagmamahal kay KC. Sabi ko nga, tingnan mo how long nag-stay ang isang tao sa paglilingkod at doon mo makikita kung ano ang ugali ng naging boss nila," dagdag pa niya.
READ: Gwapong anak ng bilyonaryo sa Thailand, dahilan ng panloloko kay Kris Aquino?