GMA Logo small laude yaya lot meets alden richards and hayden kho
What's Hot

Yaya ni Small Laude, nakatanggap ng halik mula kina Alden Richards at Hayden Kho

By Jansen Ramos
Published April 5, 2024 3:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rodrigo Duterte’s fitness to stand ICC trial to be determined by January – Conti
First Airbus A350-1000 in Southeast Asia arrives in the Philippines
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City

Article Inside Page


Showbiz News

small laude yaya lot meets alden richards and hayden kho


Nagtatalon sa kilig ang kasambahay ni Small Laude na si Yaya Lotlot nang makatanggap ito ng halik mula kina Alden Richards at Hayden Kho.

Kilig na kilig ang kasambahay ng vlogger at businesswoman na si Small Laude na si Yaya Lotlot nang makita si Asia's Multimedia Star Alden Richards.

Nakita ni Yaya Lot ang kanyang iniidolong Kapuso star sa isang clinic ni Dra. Vicki Belo kung saan din niya na-encounter ang asawa ng dermatologist na si Hayden Kho.

Sa isang TikTok video na ipinost ni Small, mapapanood na nakipag-selfie si Yaya Lot kina Alden at Hayden habang nakayap ang mga ito sa kanya. Nagtatalon din si Yaya Lot sa tuwa nang makatanggap siya ng halik mula sa dalawa.

"My lucky Yaya Lot!" saad ni Small.

@therealsmalllaude

My lucky Yaya Lot!

♬ original sound - Small Laude

Si Yaya Lotlot ay isa sa mga kasambahay ni Small na lagi niyang kasama sa kanyang YouTube vlogs.

Sinimulan ni Small ang pagba-vlog noong 2019 at mayroon na siya ngayong 2.12 million subscribers sa YouTube. Pumatok ang kanyang mga content sa social media dahil sa nakakaaliw niyang pagpapakita ng kanyang magarbong lifestyle.

Mula sa pamilya ng mga negosyante si Small. Involved ang kanyang pamilya sa rice milling, trading, at exporting businesses.

Asawa niya si Philip Laude, ang successor of confectionery makers sa bansa na gumagawa ng popular na candy brands na Kendi Mint at White Rabbit.

KILALANIN PA ANG SOCIALITE SA GALLERY NA ITO.