
Inimbitahan mismo ng Thai superstars na sina Yaya Urassaya Sperbund at Mark Prin Suparat ang kanilang Filipino fans na suportahan ang kanilang series na Love At First Night, na napapanood tuwing hapon sa GMA.
Sa Love At First Night, nagpapakilig sina Yaya Urassaya Sperbund at Mark Prin Suparat bilang Apple at Ronan.
Tampok sa Love At First Night ang hindi inaasahang pagtatagpo nina Ronan at Apple na nauwi sa isang romantic night. Sa kabila ng maikling panahon ng pagkakakilala, hindi napigilang ma-fall ni Ronan para kay Apple.
Pero may pag-asa pa kaya ang kanilang love story ngayong nalaman na ni Ronan na fiancee na pala si Apple ng kanyang ama?
Subaybayan sina Yaya Urassaya Sperbund at Mark Prin Suparat sa Love At First Night, Lunes hanggang Biyernes, 5:10 p.m. sa GMA.
MAS KILALANIN SI YAYA URASSAYA SPERBUND SA GALLERY NA ITO: