
Matapos ang halos dalawang taon ay umalis na si Yen Durano sa Vivamax dahil hindi na umano ito aligned sa kaniyang current energy.
Sa Fast Talk with Boy Abunda episode nitong February 12, ay tinanong ni King of Talk Boy Abunda kung bakit siya umalis sa Vivamax. Sagot ni Yen, isa sa mga dahilan ay dahil gusto niyang mag-rebrand at ibahin ang imahe niya sa publiko.
“I guess it doesn't align with my current energy anymore like I feel like I'm done with it, I'm done with my contract and movies there. I make music, I wanna focus on my music. I'm a singer-songwriter po, so I do RnB, contemporary soul. 'Yun po ang fino-focus ko,” sabi ng aktres.
Pagpapatuloy ni Yen, gusto niyang i-explore ang music, at ibang genres ng mga pelikula.
Pag-amin ni Yen, isa sa mga dahilan kung bakit siya umalis sa Vivamax ay dahil ayaw na niyang mas ma-expose pa. Aniya, pakiramdam ng aktres ay marami na rin naman na siyang nagawang pelikula para sa sexy genre.
“I believe na it's time to make a change and be firm with that change. If you want to move on to the next thing, you have to stop something and focus your energy doon,” sabi ng aktres.
BALIKAN ANG ILAN SA MGA SEXY STARS NOONG '90S SA GALLERY NA ITO:
Samantala, kahit umalis na siya sa Vivamax ay proud naman umano ang ama at kapwa aktor na si DJ Durano sa kaniya, at sinabing supportive ito sa kaniya.
“He was very open about it. Actually, he's a catalyst to why I am here,” sabi ng aktres.
Dagdag pa ni Yen, “He was very supportive, coming from the industry naman, he's very understanding.”
Ngunit pag-amin din niya, hindi siya nagpaalam sa ama nang pumasok siya sa Vivamax.