GMA Logo Yen Durano on judgmental people
What's on TV

Yen Durano sa mga taong judgmental sa mga sexy star: 'Work is work'

By Aedrianne Acar
Published March 30, 2025 12:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi (December 20, 2025) | GMA Integrated News
28-anyos nga Lalaki, Gipusil sa Brgy. Calamba, Cebu City | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

Yen Durano on judgmental people


Madam Chair Tuesday Vargas at VMX star Yen Durano, may paalala sa mga taong mahilig manghusga sa mga sexy star!

Ipinamalas ng VMX stars na sina Robb Guinto at Yen Durano sa pagsalang nila sa session ng Your Honor na hindi lang sila magaganda, kundi matatalino rin.

Pina-subpoena sila nina Tuesday Vargas at Buboy Villar para sa session na “In Aid of Virginity: Big Deal Pa Ba Ito?” at dito tinalakay nila ang buhay nila bilang mga talent na nasa sexy film industry.

Ibinahagi ni Robb Guinto sa House of Honorables ang mga na-experience niyang encounter sa fans niyang lalaki at mga misis nila.

Lahad niya, “Sa akin naman so far, 'yung mga fans once nakita nila ako, 'Uy! Tawag dito, Robb, Robb, from ano to eh, minsan babaguhin nila, 'Black Rider' ganun, sa ibang [show] na sasabihin nila na nakita nila ako. Pero minsan sinasabi nila Vivamax.

“Minsan 'yung mga asawa naman nila is game rin naman. Minsan pa nga sila mismo 'yung nakikipag-picture sa amin ganiyan.”

Biro pa ng VMX star, “Baka nakakuha ng technique, char!”

Para naman kay Yen Durano na anak ng aktor na si DJ Durano, ipinaliwanag niya sa Your Honor na alam niya ang consequences ng pagpasok sa ganitong form of entertainment.

Aniya, “I feel happy naman na may recognition din. And hindi naman sa binabastos kami, may tingin lang na alam mo minsan na alam nila kung ano 'yung ginagawa. May iba!”

Dagdag niya, “May halong libog minsan… Paminsan tinatawanan ko lang, kasi hindi naman siya 'yung bastos talaga. Parang it's just human nature for me, so, parang pinasok ko 'to, alam ko 'yung pinapasok ko you have to deal with the consequences.”

May ibinagi naman paalala si Madam Chair Tuesday Vargas sa mga taong mababa ang tingin sa work nina Robb at Yen.

“Maraming klase ng entertainment para lang din sa info ng lahat. Hindi po lahat na nagwo-work na ganun 'yung pino-portray on cam, they are like that in real life.” saad ni Tuesday.

Pagpapatuloy niya, “Like 'yung mga nakasama natin mga sexy stars na kung tawagin sila pa 'yung pinaka-conservative magdamit on a regular day. They don't speak ill about other people… Please reserve your judgment lalo na in public.”

Matapos ang pahayag ni Madam Chair, sinegundahan ito ni Yen na “work is work” at kailangan nilang kumita ng pera.

“At ito, choice namin itong ginagawa namin not because we are really like that. It's because we have needs. We have bills to pay, people need to work."

Diin niya, “Work is work. Sex work is work, pero hindi naman 'to sex work, pero people think it's like that, kasi 'di ba marami na sasabihin na, 'Uy, ito pokpok siya ganito, nagpapabayad 'yan.'”

Balikan ang sexy session kasama sina Robb at Yen sa Your Honor sa video below!


RELATED CONTENT: ROBB GUINTO MAY INAMIN KAY TITO BOY