
Pinag-uusapan ngayon sa social media ang pagbisita ni Yeng Constantino sa restaurant ni Ryan Bang, kasama ang kanyang partner at pamilya.
Labis na ikinatuwa ng fans at netizens na natuloy na ang plano ni Ryan na i-treat sa meal ang pamilya ni Yeng sa isa sa kanyang mga restaurant.
Trending ngayon ang videos na ibinahagi ng music artist, kung saan makikita ang kanyang reaksyon nang makita ang restaurant ni Ryan na kanilang pinuntahan, ang Paldo.
“Po-promote natin ang restaurant mo. Bro, ang ganda,” saad ni Yeng sa It's Showtime host.
“Ang ganda ng lahat. Pero hindi ko alam na ganito na kalalaki ang restaurants mo,” dagdag pa niya.
Nagpasalamat din si Yeng kay Ryan sa paglibre sa kanila.
“Ryan, thank you so much sa paglibre sa amin,” ani Yeng.
Matatandaang isa sa mga pinag-usapan ng fans at netizens kaugnay ng 20th anniversary concert ni Yeng ang naging revelation tungkol sa kanilang nakaraan ni Ryan.
Naungkat sa mismong concert ang nakaraan nina Yeng at Ryan, na minsang na-link sa isa't isa.
Samantala, happily married na ngayon si Yeng sa kanyang husband na si Yan Asuncion.
Noong June naman, inanunsyo ni Ryan ang breakup nila ng kanyang ex-fiancée na si Paola Huyong.
RELATED GALLERY: From viral proposal to sudden split: Ryan Bang and Paola Huyong's relationship timeline