
Perfect timing para sa Pop-Rock Royalty na si Yeng Constantino ang pagiging bahagi ng bagong season ng The Voice Kids.
Momentous event ito sa kanyang career dahil kasabay nito ang pagdiriwang niya ng 20 years sa entertainment industry. Bukod pa rito, ang The Voice Kids ang unang proyekto niya sa GMA.
Yeng Constantino, excited na sa kaniyang unang GMA project
"God is good... in His perfect time po talaga," ani Yeng sa media conference ng The Voice Kids kamakailan.
Full circle moment ito para kay Yeng dahil mula sa pagiging produkto ng isang reality talent competition, naging backstage host muna siya ng previous season ng The Voice Kids noong 2015. Ngayon, isa na siya sa mga uupo sa iconic red chair ng world's biggest singing competition. Sa bagong season, ang Kapuso It Girl na si Gabbi Garcia ang magsisilbing journey host.
Ika ni Yeng, "Actually, nakaka-relate po ako kay Gabbi kasi naging journey host din po ako."
Kuwento ng singer-songwriter, ayaw pa niyang umasa noong una nang nalaman niya na may offer sa kanya na mag-coach sa The Voice Kids dahil madali siyang madala ng kanyang emosyon.
Related gallery: Yeng Constantino, inaming madaling nadadala ng emosyon
Bahagi niya, "Kapag meron po akong naririnig na opportunity, sometimes 'di po ako agad naniniwala kasi po kapag final na po talaga, do'n po ako napapa-'Thank you, Lord.'"
"Pero hangga't hindi po luto, ayoko po sanang [mag-expect] kasi napaka-sensitive po ng puso ko kaya no'ng final na po, ay talagang maluha-luha po ako."
Ngayong opisyal na siyang parte ng coaching panel ng The Voice Kids, labis niya itong ipinagpapasalamat sa Diyos dahil isa ito sa kanyang career goals na pinangarap niya lang noon.
"It's been my dream po talaga na maging coach ng The Voice. So thank you, Lord, talaga. It's perfect timing. Kakaiba po."
Makakasama ni Yeng sa coaching panel ng The Voice Kids sina Julie Anne San Jose at Gloc-9.
Hosted by Dingdong Dantes, ang The Voice Kids ay mapapanood tuwing Linggo, simula September 13, 7:00 p.m. sa GMA at GMA Play.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.