GMA Logo yeng constantino and yan asuncion
source: yeng (IG)
What's on TV

Yeng Constantino, sa pagkakaroon ng baby: 'Marami pa po akong mga obligasyon'

By Kristian Eric Javier
Published September 9, 2026 11:00 AM PHT
Updated September 9, 2026 6:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - VP Sara Duterte arraignment in grave threats case (Sept. 11, 2026) | GMA News
Babae, Patay Human Mabangga ang Gisakyang Motor sa Sidecar sa Mixer Truck | Balitang Bisdak
Authentic Japanese food, MAY PINOY TWIST! | Farm To Table

Article Inside Page


Showbiz News

yeng constantino and yan asuncion


Handa na bang maging isang ina si Yeng Constantino? Alamin dito:

Mahigit sampung taon nang kasal sina Yeng Constantino at Victor "Yan" Asuncion, ngunit hindi pa rin sila nabibiyayaan ng anak.

Sa pagbisita niya sa Fast Talk with Boy Abunda, sinagot ng Pop Rock Royalty ang tanong ng marami.

“Marami pa po akong mga obligasyon,” sabi ni Yeng sa “Fast Talk” segment ng show nang tanungin siya kung handa na ba siyang maging ina.

Ayon kay Yen, wala pa talaga sa plano nila ni Yan ang magkaroon ng anak, lalo na at sa kaniya ibinilin ang mga kapatid at ama niya ng kaniyang ina bago ito pumanaw five years ago.

“I talked to my husband, sabi ko, 'Love, alam mo, kasi tayo 'yung bine-bless ni God and ang daming dumarating na biyaya. I guess, 'yung way ng mama ko na ibinilin niya sa akin ang mga kapatid ko is talagang kung bakit tayo binubuhasan ni Lord, meron siyang dahilan,'” sabi ni Yeng.

Nitong taon lang, ayon sa singer-songwriter, na-diagnose ng cancer ang kaniyang ate at silang mag-asawa ang nakatulong sa medical bills nito.

“I think po kung meron man, kung will po ni Lord, kung mangyari po, okay. Pero right now, I'm just so happy na ako po 'yung naka-assign sa family ko to help them,” sabi ni Yeng.

BALIKAN ANG RENEWAL-OF-VOWS NINA YENG AT YAN SA GALLERY NA ITO:

Ikinasal sina Yeng at Yan noong February 14, 2015 sa Indang, Cavite. At nitong 2025, ipinagdiwang nila ang kanilang isang dekada ng kasal sa pag-renew ng kanilang vows.

Ani Yeng, “Surrounded by love and laughter! Our renewal-of-vows celebration was truly unforgettable. Thanks to our amazing friends for making it so special!”

Panoorin ang panayam kay Yeng dito: