
Naging usap-usapan ang kulitan at tawanan ng noontime program na It's Showtime ngayong Lunes (Setyembre 9). Ang official hashtag nitong #ShowtimeSuperMonday ay nag-trending sa X (dating Twitter) dahil sa mga komento at good vibes ng online netizens tungkol sa palabas.
Isa sa mga naging viral sa araw na iyon ang mga kaganapan sa bago nitong segment na "Throwbox," kung saan tampok ang maraming content creators tulad nina Yobab, Kevin Montillano, Christian Antolin, Ms. Catering, Pipay, Esnyr, Fujicko, Papi, at Ate Mari. Mas natawa ang madlang Kapuso nang nag-react si Vice Ganda kay Yobab matapos maging trending online ito dahil sa pagsira niya ng sofa sa Online U.
"Matapos mangwasak ng set namin [sa] Online [U], pagkakitaan mo pa itong bago naming segment," biro ni Vice.
Napatawa si Yobab sa biro ni Vice at sumagot, "Meme, feeling ko nga kaya ako tinawag dito pagbabayarin ako. Pasensya po talaga."
Kahit nagbiruan ang It's Showtime hosts tungkol sa utang ni Yobab, nilinaw nila na hindi talaga kasalanan nito ang pagsira ng kanilang gamit.
Ang kulitan nila ay nagpatuloy nang mapili si Yobab na maglaro sa segment. Sa loob ng ilang rounds, nakapasok din ang content creator sa final round at matapang na pinili ang "triple o sawi." Sa super box, pinili naman ni Yobab ang tanong na "Sinong PBA player ang kilala sa tawag na 'The Fortune Cookie.'" Sa kabila ng nerbyos, ginulat ni Yobab ang madlang Kapuso nang tama ang kanyang sagot at nag-uwi ng malaking premyo na PhP50,000.
Related Gallery: TikTok sensations Queenay and Pambansang Yobab talk about their online
content creation journey
"Thank you so much po! Thank you!" masayang sinabi ni Yobab.
Dagdag din niya, "Grabe akala ko baka mabash ako dito masabihan ako'ng walang alam. Nasagot ko 'yung Atoy (tanong ng huling round), guys. Ma-proud kayo sa akin."
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.
Samantala, balikan ang kulitan nina Yobab at It's Showtime hosts sa “Throwbox” dito: