GMA Logo you are my heartbeat recap
PHOTO COURTESY: You Are My Heartbeat
What's Hot

You Are My Heartbeat: A promise made between Rocky and Katrina

Published February 12, 2023 1:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rave Victoria tears up as he reunites with his mom
Lake Holon to close temporarily starting January 3, 2026
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

you are my heartbeat recap


Mananatiling matatag kaya ang ginawang pangako nina Rocky at Katrina?

Sa ikalimang linggo ng You Are My Heartbeat, naging matagumpay ang plano nina Rocky (Push Puttichai Kasetsin) at Denver (Jackie Jackrin Kungwankiatichai) upang mapanatili si Katrina (Mai Davika Hoorne) sa GU Group dahil hindi pabor si Chairman Barbara na maging empleyado ang huli sa kanilang kumpanya.

Sa pag-uusap nina Rocky at Denver, sinabi ng huli na nais niyang muling ligawan si Katrina, bagay na ikinagulat ng una.

Labis na natuwa si Katrina nang makatanggap ng sapatos mula kay Denver. Lingid sa kaalaman ng dalawa na mayroong taong patagong kumuha ng kanilang litrato at nakarating agad ito kay Barbara, na lola ni Denver.

Inutusan naman ng chairman si Rocky na gumawa ng paraan para mahulog ang loob ni Katrina sa kanya. Ayon pa kay Barbara, ito na ang pagkakataon ni Rocky upang pagbayaran ang mga ginawa niyang kabutihan.

Samantala, tinanggal ni Barbara si Katrina sa design department at muling ginawang assistant ni Rocky. Bumalik naman si Winnie sa GU Group at siya ang pumalit kay Katrina bilang head ng naturang department.

Ibinalita ni Winnie kay Katrina na siya ang dahilan kung bakit tinanggal si Lani ng sarili nitong ama bilang manager sa KKPP. Nasampal naman ni Neil ang kanyang anak na si Lani nang magbitaw ito ng masasamang salita kay Katrina, na itinuturing niya ring anak.

Sa pag-uusap nina Rocky at Katrina, sinabi ng una na natutunan niya sa huli na magandang magkaroon ng taong maaasahan at nagustuhan niya ito.

Sinabi naman ni Katrina na kahit magalit pa siya kay Rocky ay hindi niya pa rin ito iiwan dahil naging mabuting kaibigan ito at ayaw niyang mawala ang huli sa buhay niya.

Nangako rin si Katrina kay Rocky na hindi siya magagalit sa kanya kung mayroong sapat na dahilan ito.

Subaybayan ang You Are My Heartbeat, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:00 a.m., sa GMA.

Balikan ang mga nakaraang tagpo sa You Are My Heartbeat dito.

You Are My Heartbeat: Mama Knows

You Are My Heartbeat: Oplan get rid of Katrina

You Are My Heartbeat: Volunteer

You Are My Heartbeat: Final decision?

You Are My Heartbeat: About Katrina