
Sa ikapitong linggo ng You Are My Heartbeat, hindi napigilan ni Lani na maging emosyonal sa kanyang ama dahil sa mga problemang pinagdadaanan niya.
Umalis na rin si Katrina sa pamamahay ni Rocky bilang solusyon sa mga problemang nangyari dahil sa kanya. In-offeran naman ni Steve si Katrina na manirahan muna sa kanyang pamamahay habang naghahanap ito ng ibang matutuluyan.
Samantala, napagdesisyunan ni Chairman Barbara na si Winnie ang ipadadala niya abroad bilang representative ng GU Group gamit ang designs na ginawa ni Kara, bagay ng malaking ikinagulat ng huli.
Sinabi naman ng Chairman na kung ayaw na ni Katrina sa kanyang kumpanya ay mag-resign na lamang ito at lumayo sa kanyang apo na si Denver. Matapos ito ay biglang binuhusan pa ng tubig ni Barbara si Katrina.
Nakapagpatawaran naman sina Lani at Katrina matapos ang lahat ng kanilang mga pinagdaanan.
Sa pag-uusap nina Katrina at ng kanyang ina, napag-alaman ng una na kaya sumama ang kondisyon ng huli ay dahil sa naging pag-uusap nito kay Chairman Barbara. Dahil dito, agad na bumalik si Katrina sa opisina at hinarap ang Chairman.
Ipinaramdam ni Katrina kay Barbara ang mapagbintangan sa isang bagay na hindi naman nito ginawa sa pamamagitan ng pagbuhos ng tubig sa kanyang sarili. Nang makapasok sina Denver at Rocky sa loob ng opisina, hindi naniwala ang una na walang ginawa ang kanyang lola kay Katrina.
Samantala, iniutos ni Barbara kay Rocky na si Jeffrey na muli ang gawin niyang assistant at hindi na si Katrina, habang si Rosa naman ang magiging assistant ni Denver.
Sinabi pa ni Barbara kay Rocky na kapag hindi niya ginawa ito ay siya rin mismo ang sisira sa buhay ni Katrina.
Subaybayan ang You Are My Heartbeat, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:00 a.m., sa GMA.
Balikan ang mga nakaraang tagpo sa You Are My Heartbeat dito:
You Are My Heartbeat: The morning after
You Are My Heartbeat: Tapatan
You Are My Heartbeat: Sorry na
You Are My Heartbeat: A taste of your own medicine
You Are My Heartbeat: Cold treatment