
Sa ikatlong linggo ng You Are My Heartbeat, binigyan ni Rocky (Push Puttichai Kasetsin) ang fashion designer na si Katrina (Mai Davika Hoorne) ng iba't ibang rules na kailangan nitong sundin bilang tumutuloy ito sa kanyang pamamahay.
Ipinakilala naman si Katrina sa mga empleyado ng kumpanya ni Rocky dahil magtatrabaho ito bilang special assistant ng huli at magsisilbing director ng design department. Nainis naman si Rosa (Mint Mintita Wattanakul), na bahagi ng design department, kay Katrina matapos hindi i-approve ng huli ang mga design niya.
Hindi naman naitago ni Rocky ang kanyang kilig sa mga text message ni Kara matapos siyang padalhan nito ng pagkain.
Samantala, nagkaroon ng komprontasyon sa pagitan nina Katrina at Denver (Jackie Jackrin Kungwankiatichai) dahil binigyan ng huli ng permiso na ipagpatuloy ang production ng underwear designs ni Rosa kahit pinigilan ito ng una dahil hindi ito pasok sa tamang standards.
Isang problema naman ang kinaharap ng kumpanya nina Rocky matapos magreklamo ang maraming tao tungkol sa underwears na kanilang binili mula sa kanila.
Upang maibalik ang magandang reputasyon ng kumpanya, isang magandang strategy ang naisip ni Kara at ito ay ang pagkuha kay Danica bilang brand endorser nila dahil sa popularidad nito bilang modelo.
Subaybayan ang You Are My Heartbeat, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:00 a.m., sa GMA.
Balikan ang mga nakaraang tagpo sa You Are My Heartbeat dito.
You Are My Heartbeat: The designer gets drowned by the rules | Episode 11
You Are My Heartbeat: Kara is the boss' new special assistant | Episode 12
You Are My Heartbeat: The sweet designer makes the boss' heart flutter | Episode 13
You Are My Heartbeat: Din makes his ex-girlfriend jealous | Episode 14
You Are My Heartbeat: The designer's brilliant strategy | Episode 15