GMA Logo Mai Davika Hoorne and Push Puttichai Kasetsin
PHOTO COURTESY: GMA Network
What's Hot

You Are My Heartbeat: Rocky and Katrina achieve their happy ending

By Dianne Mariano
Published March 7, 2023 10:05 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Zaldy Co was building 5-storey basement in Forbes Park to store cash — DILG
Bus trips in Laoag fully booked until January 1, 2026
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Teaser)

Article Inside Page


Showbiz News

Mai Davika Hoorne and Push Puttichai Kasetsin


Balikan ang heartfelt ending ng Lakorn na 'You Are My Heartbeat' DITO:

Sa pagtatapos ng You Are My Heartbeat, inamin na nina Denver (Jackie Jackrin Kungwankiatichai) at Lani (Carissa Springett) ang kanilang relasyon sa ama ng huli na si Neil.

Nalaman naman nina Lani, Denver, at Rocky (Push Puttichai Kasetsin) na mayroong plano si Katrina (Mai Davika Hoorne) na mag-resign sa GU Group at umalis ng bansa papuntang abroad.

Sa paghaharap nina Rocky at Katrina, sinabi ng huli sa una na kung nais nitong patunayan ang kanyang pagmamahal ay hindi niya tatanggapin ang bagong posisyon sa GU Group at puputulin ang relasyon sa pamilya ng mga Risheng.

Tuluyan namang sinuway ni Rocky si Chairman Barbara para makasama si Katrina. Bago pa lumisan si Rocky sa pamamahay ni Barbara upang puntahan si Katrina, nagpasalamat ang una sa kanyang lola dahil itinuring siya nitong tunay na apo.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, dinala si Rocky sa ospital matapos masangkot sa isang car crash habang hinahabol si Katrina papuntang airport.

Napag-alaman naman ni Winnie na si Rocky ay tunay na apo ni Barbara at ginamit niya ito bilang blackmail sa chairman para makakuha ng malaking halaga ng pera.

Nalaman din ni Katrina ang katotohanan tungkol sa tunay na identidad ni Rocky mula sa kasambahay ng mga Risheng na si Rona.

Humingi naman ng tawad si Barbara kay Rocky matapos niyang ilahad ang katotohanan tungkol sa pagkatao ng huli. Bukod dito, humingi rin ng tawad si Barbara kay Katrina at sa nanay nito dahil sa mga kamaliang nagawa niya sa kanila.

Nagpasalamat din si Barbara kay Katrina dahil sa pagmamahal nito sa kanyang apo. Sa huli, nagkaayos din sina Barbara at Rocky, at malaya nang nagmamahalan ang huli at si Katrina.

SAMANTALA, KILALANIN ANG MGA THAI CELEBRITY NA NAPANOOD SA HEART OF ASIA SA GALLERY NA ITO.