GMA Logo Mai Davika Hoorne and Push Puttichai Kasetsin
What's Hot

You Are My Heartbeat: Rocky and Katrina are officially a couple!

By Dianne Mariano
Published March 2, 2023 6:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Comedian Kuhol dies at 66
PRO 7 chief checks Sarah Discaya, et al. in Lapu-Lapu City Jail
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Mai Davika Hoorne and Push Puttichai Kasetsin


Mananatiling matatag kaya ang relasyon nina Rocky at Katrina?

Sa ikawalong linggo ng You Are My Heartbeat, humingi ng tawad si Rocky kay Katrina dahil sa mga masasakit na salitang nasabi niya sa huli.

Sa pag-uusap ng dalawa, inamin na nina Rocky at Katrina ang tunay na nararamdaman nila para sa isa't isa. Nangako rin si Rocky na mananatili siya sa tabi ni Katrina kahit na anong mangyari.

Mabilis namang kumalat sa GU Group ang balita tungkol sa relasyon nilang dalawa.

Sa paghaharap nina Chairman Barbara at Rocky, ipinaliwanag ng una na kaya niya tinanggal ang huli sa posisyon nito bilang Vice Chairman ay dahil siya na ang magiging Chairman ng kumpanya. Isa rin sa dahilan sa likod ng desisyon ni Barbara ay ang ginawang misyon ni Rocky na ma-in love sa kanya si Katrina para lumayo na ito kay Denver.

Matapos ang kanilang meeting, tumawag si Katrina kay Jeff upang tanungin kung nasaan si Rocky, ngunit binaba muna ni Jeff ang kanilang tawag dahil biglang dumating ang huli.

Napag-usapan nina Jeff at Rocky ang tungkol sa pinagawang misyon ni Chairman Barbara sa huli at lingid sa kanilang kaalaman na narinig ni Katrina ang lahat dahil hindi pala naibaba ng una ang kanilang phone call.

Samantala, mayroon namang masamang pinaplano si Winnie tungkol sa Chairman at sa pamilya nito.

Sa huli, inilahad ni Rocky kay Katrina ang iniutos sa kanya noon ni Chairman Barbara na ligawan siya para layuan na nito si Denver. Sinabi rin ni Rocky na totoong mahal niya si Katrina dahil iyon ang kanyang nararamdaman.

Matapos ang pag-uusap ng dalawa ay nag-walk out na lamang si Katrina mula kay Rocky. Ano na kaya ang mangyayari sa kanilang relasyon?

Tutukan ang finale ng You Are My Heartbeat, 9:00 a.m., sa GMA.