GMA Logo you are my heartbeat
PHOTO COURTESY: You Are My Heartbeat
What's Hot

You Are My Heartbeat: Rocky and Katrina's heart to heart talk

Published February 18, 2023 3:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal lost with jet carrying Libyan army chief over Ankara, Turkey says
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

you are my heartbeat


Ano kaya ang mangyayari sa puso sa pusong usapan nina Rocky at Katrina?

Sa ika-anim na linggo ng You Are My Heartbeat, dinala sa ospital si Rocky (Push Puttichai Kasetsin) matapos magkaroon ng relapse dahil sa nakitang dumi sa basura na nagpaalala sa kanyang trauma noon.

Dahil dito, binantayan at inalagaan ni Katrina (Mai Davika Hoorne) si Rocky sa ospital. Pinaghinalaan naman ni Din (Jackie Jackrin Kungwankiatichai) na mayroong babaeng tinatago si Rocky sa bahay dahil sa nakita niyang tissue na mayroong lipstick stain.

Habang nakatago sa isang kuwarto sina Rocky at Katrina, sinubukan ng huli na lagyan ng lipstick ang una ngunit ayaw nito pumayag. Dahil dito, nilagay ni Katrina ang makeup sa kanyang bibig at hinalikan si Rocky bago ito pinalabas ng kuwarto hawak ang lipstick upang hindi magsuspetsa si Din.

Nagkaroon naman ng hidwaan sa pagitan nina Rocky at Din matapos malaman ng huli na sa bahay ng una tumutuloy si Katrina. Sa pag-uusap ng tatlo, ipinaliwanag ni Katrina kay Din na wala silang relasyon ni Rocky.

Tila nagkaroon naman ng kompetisyon sa pagitan nina Rocky at Din para sa puso ni Katrina. Bilang parte ng kanilang usapan, tumira na rin si Din sa pamamahay ni Rocky para makasama rin niya si Katrina.

Samantala, nalaman nina Katrina at Rocky mula kay Din na kinansela ni Chairman Barbara ang partnership ng GU Group at KKPP. Hindi naman napigilan na maging emosyonal ni Katrina dahil sa mga kamalasan na nangyayari sa buhay niya ngayon at dinamayan siya ni Rocky.

Sa pag-uusap ng dalawa, inamin ni Rocky kay Katrina na ang pinakakinatatakutan niya ngayon ay ang mawala siya sa buhay niya.

Tuluyan na bang nagkakamabutihan sina Rocky at Katrina? Subaybayan ang You Are My Heartbeat, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:00 a.m., sa GMA.

Balikan ang mga nakaraang tagpo sa You Are My Heartbeat dito.

You Are My Heartbeat: The Kiss

You Are My Heartbeat: The feud

You Are My Heartbeat: House for 3

You Are My Heartbeat: 3 is a crowd

You Are My Heartbeat: Winner