GMA Logo Push Puttichai Kasetsin and Mai Davika Hoorne
What's Hot

You Are My Heartbeat: Rocky offers Katrina a job at GU Group

By Dianne Mariano
Published January 23, 2023 11:34 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - PCO press briefing (Dec. 16, 2025) | GMA Integrated News
P20.6M illegal drugs seized in Tagbilaran City, Bohol
Kelvin Miranda sizzles on the cover of online lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Push Puttichai Kasetsin and Mai Davika Hoorne


Inalok ng Vice President ng GU Group na si Rocky (Push Puttichai Kasetsin) ng trabaho ang fashion designer na si Katrina (Mai Davika Hoorne) sa kanyang kompanya.

Sa ikalawang linggo ng You Are My Heartbeat, inakusahan ng plagiarism si Katrina (Mai Davika Hoorne) matapos ang naganap na fashion competition dahil pareho ang kanyang mga disenyo sa fashion designer na si Rosa (Mint Mintita Wattanakul) ng GU Group.

Matapos ang nangyari, muling nagtagpo sina Katrina at Denver (Jackie Jackrin Kungwankiatichai) at pinag-usapan ang kanilang naging breakup noon. Sa pag-uusap ng dalawa, sinabi ni Katrina na iniwan niya si Denver noon dahil kaibigan lamang ang turing niya rito.

Pina-background check naman ni Rocky si Katrina sa kanyang mga empleyado dahil nais niya itong makatrabaho sa GU Group. Nalaman din ni Rocky na mayroon pang nararamdaman ang kanyang kapatid na si Denver kay Katrina.

Muling nagkrus ang landas ng dalawa matapos mabangga ng kotse ni Rocky si Katrina, na tumatawid sa daan habang lasing. Wala namang naging choice si Rocky kung hindi ang tulungan si Katrina kaya dinala niya ito sa kanyang bahay.

Labis na ikinagulat ni Katrina nang magising siya sa iisang kama habang katabi si Rocky. Sa pag-uusap nila, ipinaliwanag ni Rocky na tinulungan niya si Katrina matapos siyang makitang lasing sa daan.

Inilahad naman ng Vice President ng GU Group sa fashion designer na kapatid niya si Denver ngunit hindi sila magkadugo. Inalok din ni Rocky si Katrina ng trabaho sa kanyang kompanya ngunit pinag-isipan muna ng huli ang kanyang desisyon.

Matapos mawala ang wallet ni Katrina, pumayag si Rocky na pautangin ng pera ang una ngunit kailangan nitong sundin ang kanyang mga kondisyon.

Subaybayan ang You Are My Heartbeat, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:00 a.m., sa GMA.

Balikan ang mga nakaraang tagpo sa You Are My Heartbeat dito.

You Are My Heartbeat: Same design, different designer | Episode 6

You Are My Heartbeat: investigating my brother's ex-girlfriend | Episode 7

You Are My Heartbeat: The boss brings a girl to his home | Episode 8

You Are My Heartbeat: The drunk girl is finally sober | Episode 9

You Are My Heartbeat: The boss and the designer's deal | Episode 10