GMA Logo You To Me Are Everything movie in I Heart Movies digital movie channel
What's on TV

'You to Me Are Everything' starring Marian Rivera at Dingdong Dantes, mapapanood sa I Heart Movies

By Marah Ruiz
Published March 31, 2026 10:16 AM PHT

Around GMA

Around GMA

UAAP: UST gains confidence boost ahead of crucial game vs NU
Farm to Table: (April 19, 2026) LIVE
Stories of hope, strength, and new beginnings

Article Inside Page


Showbiz News

You To Me Are Everything movie in I Heart Movies digital movie channel


Kabilang ang 'You to Me Are Everything' starring Marian Rivera at Dingdong Dantes sa mga pelikulang mapapanood sa I Heart Movies ngayong linggo.

Isang exciting na love story ang hatid ng digital channel na I Heart Movies ngayong linggo.

Mapapnood dito ang pelikulang You to Me Are Everything, starring Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

Si Marian ay si Iska, isang simpleng dalagang nabubuhay sa probinsya. Nang mamatay ang kanyang tunay na ama, mamanahin niya ang malaking bahagi ng yaman at mga negosyo nito.

Si Dingdong naman ay si Raphael, isang binatang galing sa yaman pero maghihirap nang madawit sa isang political scandal ang kanyang ama.

Paglalapitin sila ng tadhana nang tumira si Iska sa mansiyong dating pagmamay-ari nina Raphael.

Dahil hindi sanay sa buhay na kanyang namana, kukunin ni Iska si Raphael bilang kanyang business manager.

Ano ang matutunan nila isa't isa? May puwang ba ang pag-ibig sa pagitan ng dalawang taong sadyang magkasalungat?

Alamin 'yan sa You to Me Are Everything, April 1, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Samantala, off air ang I Heart Movies mula April 2 hanggang April 4 bilang paggunita sa Holy Week.

Magbabalik ang regular progamming nito sa April 5.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.