
May dirty habits ka ba? Ito ang naging hot topic sa Ladies Room nina Tuesday Vargas at Analyn Barro kasama ang kanilang special guest na si social media star Manoy.
Sa latest online episode ng ''Ladies Room'' sa YouLOL, ibinahagi ng tatlo ang mga “dirty habits” na ayaw nila sa opposite sex.
Para kay Manoy, big “no” sa kaniya ang babae na may body odor. Aniya, “Siyempre 'yung ano na, 'yung amoy putok,” sabi ni Manoy, “Nakakahilo 'yung amoy, imagine mo 'yung amoy ng sibuyas at bayabas [nag-sama]. Malayo pa lang sisimangot ka na, e.”
Samantala, proper hygiene naman ang una ring tinitingnan ni Analyn sa lalaki na nakakasalamuha niya. At, makikita raw niya kung malinis sa katawan ang guy, kung well-trimmed ang nails nito.
Paliwanag ng Bubble Gang comedienne, “Una kasing tinitingnan ko sa isang guy is 'yung nails niya.
“Kasi feeling ko 'yung hygiene ng isang guy, makikita sa nails. Kung regular siya nagka-cut ng nails niya meaning, 'Ah! malinis 'tong lalaking 'to',”
Dagdag niya, “Malinis siya sa bahay niya, malinis siya sa sarili niya. So, 'yun laging nails 'yung tinitingnan ko. 'Pag may nakaka-date nga ako Ate Tuesday, unang tinitingnan ko naka-ganun na ako [motions with her head]. 'Pag hindi ko type 'yung nails, pass!”
Ano naman kaya ang dirty habits na ayaw ni Tuesday sa isang guy?
Tingnan sa kulit episode na ito ng Ladies Room na mapapanood sa YouLOL channel!
MOST-VIEWED VIDEOS OF BUBBLE GANG LAST YEAR: