
Sa mga nakaka-miss sa nag-iisang basher ng mga telenovela na si Antonietta (Betong Sumaya), wish granted ang hiling n'yo na muling mapanood ang kanyang mga memorable scenes kasama ang ilan sa mga respetadong actor at actress sa showbiz.
Kaninong sampalan moments ang pinaka tumatak sa inyo, mga ka-YouLOL?
Naalala n'yo pa rin ba nang sabihan ni Antonietta ang Cannes Film Festival Best Actress na si Jaclyn Jose na “babaeng walang emosyon?”
Sariwain ang malulutong na sampal na tinaggap ni Antonietta na buong husay na ginampanan ng comedian-singer na si Betong Sumaya sa special video compilation ng YouLOL.
For more GV moments with your favorite Kapuso comedians at comediennes, please hit the like and subscribe button for more exclusive and hilarious content in the YouLOL comedy channel.
BEST OF THE BEST: Pinakamalulutong na sampal na natikman ni Antonietta