
Iwas “FOMO” (fear of missing out) mga Ka-YouLOL dahil one click lang puwede n'yo na mapanood ang lahat ng exciting comedy offering ng nangungunang television network ng bansa ang GMA-7!
Sa fifth anniversary ng official Kapuso laugh channel na YouLOL, mas pinabongga ang comedy content na hatid nito sa mga loyal fans.
Ulit-ulitin ang mga funny moments sa Bubble Gang, Pepito Manaloto, The Boobay and Tekla Show, Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, at Running Man Philippines sa pag-subscribe sa YouLOL.
At puwede n'yo na rin i-binge watch ang full episodes ng mga past but classic Kapuso comedy shows na bentang-benta pa rin ngayon via YouLOL Rewind!
Sigurado rin mapapa-hashtag “sumakses” kayo sa level-up entertainment na handog ng YouLOL Originals tulad na lang ng viral vodcast na Your Honor na eksklusibo ninyong mapapanood online.
Kaya huwag nang papahuli sa “More Tawa, More Saya” moments dahil one click lang yan.
Follow the official YouTube channel of YouLOL, now na!