GMA Logo Kim de Leon
What's on TV

YouLOL: Sino ang madaling mapikon sa 'The Cray Crew' boys?

By Aedrianne Acar
Published May 20, 2022 11:47 AM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Kim de Leon


Totoo ba may mabilis mapikon sa hosts ng 'The Cray Crew'? Alamin sa ginawang pag-amin ng 'Bubble Gang' star na si Kim de Leon, DITO.

Walang filter at all-out. Ganito isinilarawan ng actor-commercial model na si Kim de Leon ang mga co-host niya sa YouLOL online show na The Cray Crew.

Kasama ng Sparkle actor sa all-original online show na ito ang mga kapwa niya StarStruck batchmates na sina Allen Ansay, Abdul Raman, at Radson Flores.

Sa one-on-one interview ni Kim sa GMANetwork.com, inusisa namin ang StarStruck heartthrob kung mayroon ba sa hosts ng The Cray Crew na madalas mapikon.

Hirit ng Kapuso actor, “Masaya nga dun sa Cray Crew, wala masyadong filter.”

Pagpapatuloy ni Kim, “Kilala na namin ['yung isa't isa], tsaka alam na namin kung paano kami magbiro. Lalo na yan si Radson [Flores] medyo dark yan magbiro, kaya tawang-tawa ako diyan.”

“Si Abdul naman medyo siyempre medyo mas pinipikon, pero hindi naman siya napipikon in fairness sa kaniya. Tapos si Allen [Ansay] ang kulit-kulit 'di ba kaya ang saya rin kasama.”

Dagdag niya, “Kaya enjoy din 'yung mga ginagawa namin sa Cray Crew, kasi naglalaro lang kami [and] naglolokohan kami.”

Source GMA Network

Bukod sa The Cray Crew, All-Out Sundays, at Love You Stranger, mapapanood na rin regularly si Kim de Leon bilang cast member ng longest-running gag show na Bubble Gang.

Sa kabila ng pagiging likas na mapagbiro niya, nire-remind pa rin ni Kim ang kaniyang sarili sa tuwing magbibitaw ng jokes para hindi maka-offend ng mga tao o viewers.

Pag-amin niya, “Dapat maging mas sensitive tayo, kasi iba-iba kasi 'yung opinion ng tao and mas open na ngayon. Mas may chance na 'yung mga netizen to express 'yung nararamdaman or opinions nila. Kaya, hinay-hinay rin minsan.”