
Si Cecilio Sasuman ay isa sa fan-favorites ang character na binigyang-buhay ng award-winning comedian at content creator na si Michael V.
Paano ba naman, tiyak sasakit ang tiyan ninyo sa oras na tumula o mag-rap si LODI Cecilio.
Kaya naman ang video compilation ng best-of-best scenes niya sa Bubble Gang ay umani na ng mahigit sa kalahating milyon views na sa Kapuso comedy channel na YouLOL.
Saan nga ba magaling si Cecilio Sasuman?
Sabay-sabay uli natin panoorin ang 'di malilimutang performances ni Cecilio Sasuman na tiyak magpapaiyak sa inyo kakatawa!
Gawing habit ang panonood ng funny videos sa YouLOL channel by clicking the like and subscribe button for your daily dose of good vibes.