What's Hot

Young actor JC de Vera tackles another meaty role in "Pasan Ko ang Daigdig"

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated June 20, 2020 4:50 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE- Sinulog Festival 2026 | GMA Integrated News
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News



Another award-winning movie-turned TV series ang bagong Sine Novela ng GMA-7!
Get your daily dose of hot gossip in this all-new addition to iGMA! Whether it's capping off yesterday's entertainment headlines or dishing a celebrity's recent issue, iGMA still has it covered! Be on the lookout for multiple updates within the day - you wouldn't want to be the last to know, would ya? So keep checking this space for what's hot and new in the entertainment world. Another award-winning movie-turned TV series ang bagong Sine Novela ng GMA-7, ang Pasan Ko Ang Daigdig starring Yasmien Kurdi and JC de Vera. Fresh from the success of Pati Ba Pintig Ng Puso ang dalawang bida kaya naglalagare na agad sila sa taping nito. Sa Montalban dumpsite ang karamihan sa eksenang kinukunan kaya medyo mahirap sa mga artista ng nasabing programa ang kanilang taping, pero nag-e-enjoy raw silang lahat at wala raw nag-iinarte sa kanila because they just want to give the televiewers a good and realistic show. Wala raw pa-star sa kanila at takot lang daw nila kay Direk Joel Lamangan na masyadong istrikto at metikuloso sa set. starsBilang proteksiyon na lang ay agad nagpa-injection ng anti-malaria at anti-hepatitis si JC. Noong unang araw ay naglagay pa siya ng Vicks, pero the following days ay hindi na. Pero ayon sa young actor, feeling naman niya ay malakas ang kanyang resistensiya dahil umiinom siya ng vitamins. Ayaw rin daw niyang maramdaman ng mga tao dun sa lugar na kanilang taping na maarte ang mga artista. Sinabihan na rin daw sila ng staff na makipag-cooperate at tiisin ang anumang amoy sa set dahil nasa dumpsite nga sila. "Masaya naman po sa set namin, although mahirap lang talaga dahil malayo. Napaka-professional ng mga katrabaho namin ni Yasmien. Even si Direk Joel, talagang pagbubutihan mo ang pag-arte mo dahil perfectionist siya. Para nga po kaming nagsu-shooting na ng malaking pelikula dito, e. We trust direk Joel so much," kuwento ni JC sa presscon ng Pasan Ko Ang Daigdig. Kung sa Pati Ba Pintig ng Puso ay role ni Gabby Concepcion ang ginampanan ni JC, dito sa Pasan Ko Ang Daigdig ay ang character na Carding, na unang ginampanan ni Tonton Gutierrez sa movie version nito starring Sharon Cuneta, ang papel niya. Anong paghahanda ba ang ginawa ni JC para sa role niya sa Pasan Ko ang Daigdig? "Siyempre, pinapanood muna sa amin ang movie version nito and based doon sa nakita kong pag-arte ni Tonton, ganun din ang atakeng ginawa ko. Marami namang pointers na ibinigay sa akin si Direk kaya hindi ako nahirapan. I just hope nami-meet ko ang expectations nila sa akin. I'm really working hard on my acting at ayoko rin namang mapahiya dahil sa akin nilang ipinagkaloob ang role na 'to," sagot ni JC, na bago ang look sa kanyang bigote at balbas na bumagay naman sa kanya. TEAM-UP WITH YASMIEN. Regarding sa team-up nila ni Yasmien, proud si JC dahil dumarami ang kanilang fans at marami ang nagkakagusto sa kanilang tambalan. Pero ano na nga ba ang estado ng kanilang relasyon? "It's possible that our friendship will develop into something deeper. Hindi ko lang masabi kung kailan. Okay naman kasi ang friendship namin ni Yasmien ngayon. Ang focus kasi talaga namin now is work, although I admit that she's giving me inspiration. Nung pinagtambal kami, I know experiment ito ng GMA but, luckily, nag-click ito at nagugustuhan ng mga fans kaya thankful kami," sabi ni JC. Ano ang mga nabago sa kanila ni Yasmien ngayon? "Mas lalo kaming naging disciplined sa work namin," sagot niya. "Nag-gain din kaming dalawa ng malaking confidence sa aming sarili. Mas relaxed and comfortable kami with each other now. "Okay ang friendship namin ngayon and let's just wait and see 'pag na-develop na nga ito into a relationship. Siyempre, hindi namin puwedeng itago 'yon," pagtatapos na ni JC. -- PEP.ph Text YASMIEN or JC to 4627 to Feel the Fun with Fanatxt! (P2.50 for GLOBE, SMART, and TALK N TEXT; P2.00 for SUN subscribers) Talk about this Hot Topic in the iGMA Forum!